Florante at Laura - Himagsik Laban sa Maling Kaugalian
Ang Florante at Laura ay isinulat ni
Francisco “Balagtas” Baltazar noong
1838, panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa.
Masasalamin sa
akda ang tinutukoy ni Lope K. Santos na “apat
na himagsik” na naghari sa puso at isipan ni Balagtas: (Una) ang himagsik laban sa malupit na pamahalaan; (Ikalawa) ang himagsik laban sa
hidwaang pananampalataya; (Ikatatlo) ang
himagsik laban sa maling kaugalian; at (Ikaapat)
ang himagsik laban sa mababang uri ng panitikan.
Ang himagsik
laban sa maling kaugalian tulad ng pagkamainggitin na nangyari noong panahon sa
buhay ni Florante na napakita ni Adolfo ay makikita din natin sa kapanahunan
ngayon. Nasanay si Adolfo sa mga papuri dahil sa kanyang katalinuhan na sa huli
ay nabaling kay Florante kahit mas bata ito sa kanya.
Ayon sa isang pagsusuri ng mga psychologists, nasisira ang pakikitungo at relasyon ng mga magkamag-anak, magkaibigan
o kasama sa trabaho dahil sa inggit. Dito natin malalaman kung sino ang totoo
at tunay na kaibigan. Maganda ang kumpetisyon kung ito’y ginagawa para mailabas
ang kagalingan ng isang tao. Ngunit kung ginagawa ito para siraan ang ibang
tao, ito’y hindi na kaaya-aya. Kaya maraming away, pagtutunggali na nagyayari
sa lipunan dahil sa katalinuhan, sa pag-angat ng kalagayan ng buhay ng ibang
tao o sa pagiging matapang sa pagharap sa mga suliranin sa buhay.
Sanggunian: Ailene G. Mary Grace G. Nestor S. et al. "Pinagyamang Pluma". Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc. 2015
Sanggunian: Ailene G. Mary Grace G. Nestor S. et al. "Pinagyamang Pluma". Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc. 2015
woow mahusaaay
ReplyDeleteMagaling!
ReplyDeleteSalamat may natutunan namn ako
ReplyDeleteMahusay
ReplyDeleteLodi napakagaling
ReplyDeleteMagaling!
ReplyDelete👏🏻👏🏻
ReplyDeleteMahusay!
ReplyDeleteMagaling!
ReplyDelete