Florante at Laura - Himagsik Laban sa Maling Kaugalian
Ang Florante at Laura ay isinulat ni Francisco “Balagtas” Baltazar noong 1838, panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa. Masasalamin sa akda ang tinutukoy ni Lope K. Santos na “apat na himagsik” na naghari sa puso at isipan ni Balagtas: (Una) ang himagsik laban sa malupit na pamahalaan; (Ikalawa) ang himagsik laban sa hidwaang pananampalataya; (Ikatatlo) ang himagsik laban sa maling kaugalian ; at (Ikaapat) ang himagsik laban sa mababang uri ng panitikan. Ang himagsik laban sa maling kaugalian tulad ng pagkamainggitin na nangyari noong panahon sa buhay ni Florante na napakita ni Adolfo ay makikita din natin sa kapanahunan ngayon. Nasanay si Adolfo sa mga papuri dahil sa kanyang katalinuhan na sa huli ay nabaling kay Florante kahit mas bata ito sa kanya. Ayon sa isang pagsusuri ng mga psychologists, nasisira ang pakikitungo at relasyon ng mga magkamag-anak, magkaibigan o kasama sa trabaho dahil sa inggit. Dito natin malalaman kung sino ang totoo at tun...